Cavite to Manila Ferry Schedules
ABANGAN: Makiisa sa paglulunsad ng Mabilis, Maginhawa at Panatag na Biyahe:#OkayKaFerryKo bukas, araw ng Linggo, ika-8 ng Disyembre.
Sa pangunguna ng Department of Transportation (DOTr) kasama ang buong maritime sector, at LGUs ng Manila at Cavite, ilulunsad na natin ang Cavite-Manila Ferry Route.
Hangarin ng proyektong ito na magbigay ng alternatibong paraan ng pagbiyahe para sa ating mga kababayang Kabitenyo gamit ang mga sasakyang pandagat.
Ang magiging ruta ay mula sa Cavite City Port Terminal – Cavite City Hall patungong CCP Port at pati na rin sa Liwasang Bonifacio, at balikan.
Sa pamamagitan nito, ang nakasanayang lagpas dalawang (2) oras na biyahe sa pamamagitan ng land transportation ay mapapababa na lamang sa kulang isang oras na biyahe sa pamamagitan ng mga sasakyang pandagat.
Magsisimula ang naturang biyahe sa darating na Lunes, Disyembre 9, 2019.
CAVITE TO MANILA FERRY SCHEDULES
Route | Departure |
---|---|
CCP Port, Manila – Cavite City | 6:00AM, 8:00AM, 3:30PM, 5:30PM |
Cavite City – Manila, CCP Port | 7:00AM, 9:00AM, 4:30PM, 6:30PM |
MANILA TO CAVITE FERRY SCHEDULES
Route | Departure |
---|---|
Cavite City – Lawton Manila | 5:15AM, 7:45AM, 5:45PM |
Manila Lawton – Cavite City | 6:30AM, 4:30PM, 7:00PM |
Related Destinations
*Last updated: December 26, 2024