PITX – Parañaque Integrated Transport Exchange

PHBus Travel Philippines

      One Way

      PITX – Parañaque Integrated Transport Exchange

      PITX - Parañaque Integrated Transport Exchange

      GOOD NEWS! Bubuksan na ang kauna-unahang “landport” sa bansa— ang Parañaque Integrated Transport Exchange (PITX) bukas, ika-5 ng Nobyembre.

      Sa PITX, scheduled na ang mga byahe, maayos ang loading at unloading areas, may escalators at elevators, automated fare collection, at may online ticketing system pa.

      Bukod dito, ang PITX ay may maganda at high-tech na amenidad— may 24 hours CCTV cameras para sa seguridad ng byahero, at may malinis at gender sensitive na palikuran na may shower room pa. Mayroon ding clinic, breastfeeding station at prayer room.

      Ang PITX ay proyekto ng Department of Transportation at ng MWM Terminals, Inc. na magsisilbing transfer point ng mga provincial buses mula Cavite, Batangas at in-city modes of transportation. Inaasahang mababawasan nito ang bilang ng mga provincial buses na bumaybaybay sa Metro Manila.

          *Last updated: January 14, 2025